LIGO AT ANGKAS ARANGKADA SA PAGDONATE PARA SA COVID19 RELIEF


Lahat tayo ay nagulat sa COVID19. At dahil hindi natin alam ang gagawin, nagpatupad ang ating pamahalaan ng enhanced community quarantine o lockdown sa buong Luzon para iwasan ang patuloy na pagkalat ng epidemya.


Ngunit dahil sa kakulangan ng personal protective equipment o PPEs para sa ating mga frontliners, marami sa kanila ang nahawa at binawian ng buhay.

Dahil dito, agad rumesponde ang ilan sa mga negosyong matagal nang kasama ng mga Pilipino gaya ng Ligo. Sa tulong ng Angkas, nakapagpapadala diretso sa mga ospital at frontliners ang Ligo ng mga Personal Protective Equipments o PPEs para mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga frontliners.


Noong March 22, i-announce din ng Ligo Sardines Philippines sa kanilang Facebook page na idodonate nila ang kanilang buong advertising budget ngayong 2020 sa mga NGOs, charities, and independent groups in the forefront of the COVID-19 relief and response efforts.

Isa itong napakalaking hakbang mula sa isang korporasyon na milyon-milyong budget para sa advertising taon-taon.


Kahit hindi nag-popost sa kanilang social media account ang Ligo Sardines Philippines, patuloy pa rin nilang ginagampanan ang pangakong tutulong para sa COVID19 relief.

Kahapon ay shinare ni Ms. Multinational 2017 Sophia Senoron sa kanyang Facebook page ang pag-donate ng Ligo sa tulong ng Angkas ng panibagong 250 Personal Protective Equipments para sa ating mga frontliners.


Sana ay mas marami pang negosyong sumunod sa yapak ng Ligo Sardines Philippines at Angkas dahil ito ang panahon para magkaisa at magtulungan tayong lahat


No comments:

Powered by Blogger.