Nang-holdup sa isang Mami vendor, Huli na!


Inilabas ng Manila Police District ang pagkakakilanlan ng suspek na si Rowell Brillantes. Kabilang dito ay inilabas ang lumang mug shot nito na kung saan ay naaresto dahil sa ilang drug charges noong January 2017.

Image may contain: one or more people
Image: Screenshot: Facebook@PhilStar

Hawak na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na nangholdap at bumaril sa isang pares Mami vendor sa Baseco Compound Port Area, Maynila kahapon ng madaling araw.




Napasugod naman si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si MPD P/BGen Bernabe Balba sa Baseco PCP nang malaman na nahuli ang suspek na si Rowell Brillantes.





Matatandaang nag-viral ang video footage kung paano tinambangan ng suspek ang biktimang si Bautista. Sa video ay bigla na lamang lumabas ang holdaper at akmang pinipilit kuhain ang bag ng biktima na naglalaman ng kinita nito sa pagtitinda.

Sa video ay makikita din kung paano nakipag-buno si Samson sa holdaper. Kaya naman ay binaril ito ng holdaper sa mukha na kung saan ay nagtamo ito ng tama sa leeg.



Sigaw ng pamilya at ng mga netizens ay hustisya para sa padre de pamilya ni Bautista. Anila ay nagtatrabaho ito ng maayos at marangal kaya naman hindi nito tanggap ang ginawa dito ng suspek.

Naging usap-usapan na naman ngayon sa social media ang pagpapataw ng parusang dE4th penalty. Sa ngayon ay pinupukaw ng pamilya at mga netizen ang atensyon ni Manila Mayor Isko Moreno upang mabigyan ng agarang aksyon at hustisya ang pagkasawi ni Samson Bautista.

No comments:

Powered by Blogger.